Nasawi ang 10 indibidwal matapos matupok ng apoy ang pitong palapag na gusali sa Lyon City sa France.
Naganap ang naturang insidente dakong alas-3 ng madaling araw. Sinasabing nagsmimula ang sunog mula sa Ground Floor ng apartment bago ito kumalat sa iba pang palapag.
Kabilang sa nasawi ay mga bata edad 3 hanggang 15.
Sa kasalukuyan ay pinaiimbestigahan na ng Lyon Prosecutor’s Office ang insidente upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.—sa panulat ni Hannah Oledan