Nakauwi na sa Indonesia ang 10 mandaragat na Indonesians na binihag ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Senior Supt. Wilfredo Cayat, hepe ng Sulu PNP nasa maayos na kalagayan ang 10 dayuhang mandaragat nang i-turn over nila ito sa Anti-Kidnapping Group.
Blangko anya ang PNP kung paano pinalaya ang mga bihag dahil natagpuan na lamang ang mga ito sa harap ng tahanan ni Sulu Governor Abdusakur Tan.
Bahagi ng pahayag ni Sulu PNP Chief Wilfredo Cayat
Tikom rin ang bibig ni Cayat sa report na may nagbayad ng P50 milyong pisong ransom kayat nakalaya ang Indonesian sailors.
Wala rin anya silang impormasyon kung mayroong nangyaring negosasyon.
Bahagi ng pahayag ni Sulu PNP Chief Wilfredo Cayat
Negotiation
Samantala, tikom ang bibig ng Indonesian government kung nakipag-negosasyon sila at nagbayad ng ransom sa Abu Sayyaf para mapalaya ang 10 Indonesian sailors na binihag ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Indonesian President Joko Widodo, ang mahalaga ngayon ay pawang nasa maayos nang kalagayan ang mga pinalaya nilang kababayan.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Widodo ang pamahalaan ng Pilipinas at lahat ng tumulong para ligtas na mapalaya ang 10 nilang mamamayan na dinukot ng Abu Sayyaf noong March 26.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga nakalayang bihag na sina Peter Tonson, Julian Philip, Alvian Elvis Peti, Mahmud, Surian Syah, Surianto, Wawan Saputria, Bayu Iktavianto, Reynaldi at Wendi Raknadian.
By Len Aguirre | Ratsada Balita