Patay ang sampung (10) Iranian pilgrims sa isang suicide attack sa Samarra City sa Iraq, 125 kilometro hilaga ng Baghdad.
Ayon sa ulat ng The Iranian News Agency, sinabi ni Pilgrimage Official Mohammad Javad Daneshyar na pababa na sana ng bus ang mga Iranian nang biglang dumaan ang isang ambulansya lulan ang suicide bomber, at bigla na lang itong sumabog.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters