Nareskyu ang 10 kababaihan matapos magsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa isang bar na nagsisilbing drug den sa Baguio City.
Ayon sa Regional Special Operations Group ng Police Regional Office Cordillera, nakatanggap sila ng reklamo ukol sa prostitusyon o pagbubugaw na nangyayari sa nasabing bar.
Agad na isinailalim sa surveillance ang naturang lugar at nang makumpirma, ay dito na sumalakay ang mga otoridad.
Napag-alaman na nagtatrabaho ang mga biktima na nasa edad 26 hanggang 40 bilang waitress, entertainer, dancer at cook.
Dahil dito, nahuli sa operasyon ang bar manager na si Louie Macatuno Jamora, 33-anyos at isa pang empleyado na si Roldan De La Cruz Mangila, 38-anyos na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. —sa panulat ni Angelica Doctolero