Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Task Force Against Vote Buying na nasa 10 kaso na ang kanila nang iniimbestigahan.
Ayon kay Task Force Kontra Bigay at COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, posible pa itong madagdagan dahil may mga natatanggap na silang ulat tungkol sa nasabing insidente.
Aniya, nakukuha nila ang mga reklamo sa kanilang email address na kontrabigay@gmail.com at Facebook page na Task Force Kontra Bigay.
Kaugnay nito, hinikayat ng COMELEC ang publiko na huwag lamang isumbong ang insidente ng vote-buying o vote-selling kundi makilahok din sa sa pag-iimbestiga sa pamamagitan ng execution of an affidavit at submission of evidence.