Kabuuang sampung (10) kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at Russia matapos ang maikling pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow.
Naganap ang paglagda ng mga kasunduan noong Miyerkules, Mayo 24 sa pagitan ng mga cabinet official sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at kanilang mga Russian counterpart.
Kabilang sa mga sinelyuhan ang Defense Cooperation Agreement; Tourism Joint Action Program; Memorandum of Understanding on Agriculture Cooperation at Cooperation on Transportation.
Inihayag naman ni Cayetano na kailangan munang magpadala ng Pilipinas ng “shopping list” ng mga defense equipment na bibilhin sa Russia.
By Drew Nacino