Patay ang sampu (10) katao dahil sa rabies sa South Cotabato.
Dahil dito, nababahala na ang health officials sa South Cotabato sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng rabies sa lalawigan.
Ayon kay South Cotabato Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, dalawa (2) sa mga biktima’y nakagat ng aso sa ibang lugar subalit namatay lamang sa lalawigan.
Ang huling naitalang nasawi dahil sa rabies ay residente ng Barangay Desawo, T’boli sa South Cotabato.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng DOH o Department of Health ang publiko laban sa kagat ng aso at sakaling hindi maiwasan ay kaagad magtungo sa pinakamalapit na animal bite center para makapagpa-bakuna.
By Judith Larino