Sumampa na sa 10 katao ang nasawi habang 13 ang nasugatan sa pagguho ng walong palapag na gusali sa Turkey.
Ayon kay Istanbul Governor Ali Yerlikaya, may mga nakukuha pang katawan ng mga natabunan sa gumuhong residential building sa Kartal District sa Istanbul.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagguho nito.
Batay sa ulat, nasa 43 katao ang nakarehistrong residente ng gusali.