Patay ang sampu katao sa nangyaring pagsabog sa isang supermarket sa St. Petersburg sa Russia.
Ayon sa ulat, isa pang biktima ang nasa kritikal na kondisyon matapos ang naturang pagsabog.
Ginamit sa pagpapasabog ang device na naglalaman ng striking elements na hawig sa TNT explosive.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at tinitignang anggulo ang attempted murder.