Patay ang hindi bababa sa 10 katao, habang nawawala ang 8 iba pa, matapos tumaob ang kanilang bangkang pangisda, malapit sa isla ng Chuja sa South Korea.
Ayon kay Lee Pyung – Hyun, hepe ng Jeju coast guard, 3 sa mga pasahero ng bangkang pangisda ang nailigtas, at agad namang dinala sa pagamutan sa Jeju island, na malapit sa Chuja.
Pinuri naman ng mga survivor ang katapangan ng kanilang kapitan na si kim Cheol – Soo, na kabilang sa mga nasawi.
Sinabi ng isa sa mga survivor na tiniyak ng kanilang kapitan na maililigtas ang mga ito, lalo na at nagkaroon na sila ng pakikipag ugnayan sa coast guard.
By: Katrina Valle