Patay ang 10 katao matapos ang pamamaril sa isang hotel at dalawang bar sa central Mexico.
Ayon sa mga otoridad, kasama sa nasawi ang pitong babae at tatlong lalaki.
Mayroon namang nasugatan sa nangyari na agad dinala sa ospital.
Sa ngayon, isang kilalang criminal group na ang umako sa krimen.