Hindi bababa sa 10 ang patay at 20 ang sugatan sa madugong pamamaril ng isang suspek sa Umpqua Community College sa Oregon.
Ayon kay Douglas County Sheriff John Hanlin, patay na ang suspek na namaril na nasa edad 20, habang ang mga biktima naman ay naitakbo na sa pagamutan.
Inaalam din nila ang dahilan ng pamamaril ng suspek kung saan nakipagtalo pa umano ito online isang gabi bago ang ginawang pag-atake.
Iniimbestigahan din ang mga post ng suspek sa social media bago ang madugong insidente.
Sa imbestigasyon, nagsimula ang pamamaril sa isang building hanggang ito ay lumipat sa science building.
By Mariboy Ysibido