Patay ang 10 katao sa stampede sa templo sa Jharkhand, India.
Nangyari ang aksidente sa gitna ng religious celebrations sa Hindu Temple.
Ayon sa pulisya, nag-unahan ang mga tao na makalapit sa templo nang magbukas ang gate kaya nagkatulakan.
Nasa 50,000 ang nakapila na papasok sa templo nang mangyari ang insidente.
Libu-libo ang dumadayo sa mga templo sa India tuwing Agosto para mag-alay ng holy water mula sa Ganges River bilang bahagi ng tradisyon.
Kadalasan sa mga religious festival sa India ay nauuwi sa stampede.
By Jelbert Perdez