Sampu (10) katao ang patay habang 23 ang sugatan sa suicide bombing incident sa Nangarhar, Afghanistan.
Kabilang sa mga nasawi ang tatlong bata.
Ayon sa ulat, pinasabog ang isang sasakyan sa tapat ng tahanan ng commander ng Nazian District ng Nangarhar.
Wala pang grupong umaako sa naturang pag-atake.
Matatandaang ang Nangarhar Province ang nagsisilbi ngayong vase ng Islamic State fighters sa Afghanistan.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters