Patay ang 10 katao sa sunog sa isang COVID-19 hospital sa bayan ng Tetovo sa North Macedonia.
Ayon kay Health Minister Venko Filipce, nangangamba silang tumaas pa ang death toll sa nasabing sunog dahil marami sa mga sugatan ay nasa malubhang kalagayan.
Hindi naman matiyak ng mga otoridad kung ilan ang mga pasyenteng nasa pagamutan nang maganap ang sunog.