Pumalo na sa 10 ang bilang ng nasawi kabilang ang 5 buwang sanggol, sa sunog na sumiklab sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mag 9:00 am kanina nagsimula ang sunog sa isang residential area sa Larva Street, Bruger Subdivision.
Lagpas 9:00 ito itinaas sa unang alarma, inilagay sa under control dakong 9:25am at idineklarang fire-out dakong 10:25 am.
Sinabi naman ni City Fire Marshal Fire Superintendent Eugene Briones na magkakamag-anak ang mga nasawi, dahil pawang nakita ang mga katawan nito sa una at ikalawang palapag ng bahay.
Nabatid na batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, apektado ng sunog ang isang isang palapag na bahay na may katabing two-storey residential structure.
10 indibidwal mula sa tatlong pamilya ang naninirahan doon.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng BFP ang dahilan ng sunog na umabot ang pinsala sa kalahating milyong piso.