Sampu (10) katao ang sugatan matapos makaranas ng matinding turbulence ang biyahe ng American Airlines patungong Philadelphia.
Kabilang sa mga nasugatan ang 7 crew ng eroplano at 3 pasahero.
Nangyari ang matinding air turbulence tatlumpung minuto bago lumapag ang eroplano.
Nakatayo pa ang mga crew ng eroplano at nagsisilbi sa inumin ng mga pasahero nang mangyari ang insidente.
Agad namang dinala sa ospital ang mga nasugatang crew at pasahero ng eroplano pagkalapag sa Philadelphia International Airport.
By Ralph Obina