Sugatan ang hindi bababa sa sampu katao matapos magkabanggaan ang isang pampasaherong bus at jeepney sa panulukan ng EDSA at Timog Avenue kaninang umaga.
Batay sa ulat, tinatawid ng jeepney ang bahagi ng EDSA galing Fairview at patungong Timog avenue nang abutan ito ng pagpula ng stoplight sa gitna ng kalsada kaya nabundol ito ng paparating na bus.
Sa lakas ng pagbangga, tumagilid ang jeep sa gitna ng EDSA.
Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center ang ilang mga pasaherong nasugatan sa aksidente.