Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP – Drug Enforcement Group ang nasa sampung (10) kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 50 Milyong Piso sa kanilang ikinasang buybust operation sa lungsod ng Muntinlupa at Makati.
Walong kilo mula dito ang nakumpiska sa parking area ng isang high end mall sa Ayala kung saan naaresto sina Norodian Guimadel Samplidan; Lady Jane Flores Borja at Regina Inocencia San Miguel
Habang dalawang kilo naman ng shabu ang nasabat sa isang Chinese National sa Makati City na sinasabing supplier ng droga sa tatlong naaresto sa Alabang.
Mismong sina PNP Chief Ronald Dela Rosa at PDEA Director General Aaron Aquino ang nagtungo sa pinangyarihan ng operasyon at humarap sa mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong may kaugnayan sa illegal na droga.
-Jonathan Andal