Nailibing na ang sampu sa 176 na katawan ng Persons Deprived of Liberties (PDLs) na nasa isang punerarya sa Muntinlupa City.
Ayon kay Gregorio Catapang Junior, Officer-In-Charge ng Bureau of Correction (BuCor), naipon ang mga katawan ng PDL sa Eastern Funeral Homes para imbestigahan kasunod ng pagkamatay ni Cristito “Jun Villamor” Palaña, umano’y middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
Bagaman batid ng mga pamilya ng PDL ang kanilang pagkamatay, nagpasya ang mga itong hindi na kuhanin ang mga labi.
Matatandaang una rito, sinabi ni Secretary Jesus Crispin Remulla na nakipag-ugnayan na sila sa Philippine General Hospital para sa otopsiya ng mga labi.
Tiniyak pa ni Guevarra ang paglalabas ng pangalan ng mga ito at dahilan ng kanilang pagkamatay.