10 lalawigan sa Luzon at Visayas ang nakapagtala ng “very high” o mahigit 20% ng COVID-19 positivity rate.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 testing.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, kabilang sa nakitaan ng mataas na positivity rate ang Aklan na may 32.6%, Capiz na may 31.9%, Nueva Ecija na may 30.5%, Isabela na nakapagtala ng 27.8%, Pampanga na may 26.1%, Laguna na may 26%, Cavite na may 24.5%, Tarlac na may 24%, Rizal, 22.8% at Antique na nakapagtala ng 22.2%.
Samantala, hinimok ni David ang mga residente sa mga naturang lugar na may mataas na positivity rate na patuloy na sundin ang COVID-19 health protocols.
previous post