Nananatiling coronavirus disease 2019 (COVID-19) free ang 10 lalawigan sa Luzon na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Kabilang ito sa kabuuang 26 na COVID-19 free provinces sa bansa, 11 rito ang nasa Mindanao at lima ang sa Visayas.
Kabilang sa 10 lalawigan sa Luzon na nananatiling COVID-19 free ang Apayao, Aurora, Batanes, Camarines Norte, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Quirino, Masbate at Sorsogon.