Sampu pang Local Government Units (LGUs) ang lumagda ng kasunduan sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), para sa misyon nitong magtayo ng isang-milyong bahay kada taon sa susunod na anim na taon.
Ang proyekto ay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong tugunan ang agwat sa pabahay ng 6.5 milyong unit sa bansa.
Kabilang sa mga LGU na lumagda sa kasunduan ay ang; probinsya ng Bohol Province, Mandaue, Tagbilaran City, Panglao sa Bohol, at anim na bayan sa probinsya ng Oriental at Occidental Mindoro.
Bago pa ang 11 LGUs, una na rin lumagda sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ang 28 LGUs sa bansa, kabilang ang Quezon at Marikina City sa National Capital Region.