Sinampahan na ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 10 local chief executives na mabigong malinis mula sa mga obstruction ang mga lansangan sa kanilang nasasakupan.
Ito ang inihayag ni DILG secretary Eduardo Año kung saan pinadalhan na rin ng show cause orders ang nasa 97 mga Local Government Units (LGUs) para pagpaliwanagin.
Ayon kay Año, umaabot sa mahigit 6,600 mga primary at secondary roads sa buong bansa ang nalinis mula sa lahat ng klase ng illegal obstruction.
Magugunitang ipinalabas ni Año ang memorandum circular number 121-2019 na nag-aatas sa mga LGUs na magpatupad ng clearing operations sa lahat ng primary at secondary roads sa buong bansa sa loob ng 60-araw.