Nakatakdang ideklara bilang protected areas ang sampung lugar na tahanan ng mga indigenous peoples.
Sinasabing ang DENR-Biodiversity Management Bureau ang magpapatupad ng proyekto na naglalayong kilalanin ang mga lugar na tinitirhan ng mga tribu.
Ayon kay BMB Director Theresa Mundita Lim, ang mga site na ito ay kinabibilangan ng Mt. Taungay sa Tinglayan, Kalinga; Mt. Polis sa Hungduan, Ifugao; Mt. Imugan sa Santa Fe, Nueva Vizcaya; Egongot sa Maria Aurora, Aurora; kanawan sa Morong, Bataan, at Balabac sa Palawan. Kasama rin dito ang Mt. Kimangkil sa Impasug-ong, Bukidnon; Mt. Apo sa Magpet, North Cotabato; Mt. Diwatain sa Esperanza, Agusan del Sur, at Dinarawan sa Jabonga, Agusan del Norte.
By Jelbert Perdez