Nag-positibo sa Paralytic Shellfish Poison o Toxic Red Tide ang 10 lugar ayon sa BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Batay sa kanilang pinakabagong shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang sa mga sumusunod na lugar:
-Sorsogon Bay sa Sorsogon
-Irong-Irong Bay sa Western Samar
-Matarinao Bay sa Eastern Samar
-Lianga Bay sa Surigao Del Sur
-Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental
-Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur
-Murcielgaos Bay sa Zamboanga Del Norte
-Murcielagos Bay sa Misamis Occidental
-Coastal Waters ng Dauis Attagbilaran City sa Bohol
-Coastal Waters ng Milagros sa Masbate
Sinabi naman ng BFAR na ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag basta’t hugasan at linisin itong mabuti bago lutuin.