Inaasahang darating sa bansa ang 10 milyong dose ng bakuna kontra COVID-19 ngayong buwan.
Ayon kay Testing Czar Vince Dizon kabilang na rito ang isang milyong COVID-19 vaccine doses na ipapadala ng Astrazeneca.
Gayundin ang mga bakuna ng SINOVAC, Pfizer at Moderna.
Ani Dizon, kasama sa darating na suplay ay ang binili ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan at mga pribadong sektor.