Aabot pa sa 10 milyong doses ng covid-19 vaccines ang nakatakdang bilhin ng Pilipinas para sa pagbabakuna ng edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Unang bumili ang bansa ng 15 milyong doses ng Pfizer covid-19 vaccines na darating sa January 31.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez jr., nakipag-usap na siya sa mga vaccine manufacturers upang palawigin ng mga ito kanilang emergency use authorization (EUA) at masakop ang pagbabakuna sa edad 3 hanggang 11.
Sa darating na Pebrero a-1 hanggang a-7 magsisimula ang bakunahan sa edad 5 hanggang 11.
Habang sa unang kwarter ng taon target tapusin ang pagbibigay ng booster shots sa mga edad 12 hanggang 17. –Sa panulat ni Abby Malanday