Mapapasakamay na simula sa Mayo 1 ng mahigit 10,000 martial law victims ang halos $10 million na bahagi ng settlement amount.
Ipinabatid ito ni American lawyer at class counsel Robert Swift na nagsabi ring padadalhan ng sulat ang mga beneficiary ng pondo para sa kaukulang detalye ng kanilang kumpensasyon.
Ayon pa kay Swift, makakatanggap ng $1,500 ang kada eligible martial law victim.
Una nang inatasan ng US Federal Court sa New York si sWIFT na mamahala sa pamamahagi ng claims matapos ang isinagawang artwork litigation sa ilang high value paintings na dating pag-aari ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Sinabi naman ng martial law compensation claimants na karamihan sa mga makikinabang sa pera ay matatanda na at gagamitin na lamang ito na pambili ng kanilang mga gamot.
Sa kabuuan naman ay umaabot sa $4 million ang mapupunta sa serbisyo ng mga abogado pati na rin ang gastusin sa claims distribution.
—-