Tinatayang nasa 10-M Pilipino ang tinatawag na ‘binge drinker’ o sobra-sobra kung uminom ng alak.
Batay ito sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST).
Ayon sa FNRI, maituturing na ‘binge drinking’ kapag nakainom ng limang (5) bote pataas sa mga lalake at apat (4) na bote pataas naman para sa mga babae sa loob lang ng dalawang oras.
Pinakamalakas umanong uminom ng alak ang mga nasa 20 years old hanggang 29 years old.