Lilipad papuntang Geneva, Switzerland ang 10-man delegation ng Faith Based at Human Rights Activists.
Layon ng biyahe nila, ayon kay Philippine Universal Periodic Review Convener Father Rex Reyes, Jr. na talakayin sa UN Humang Rights Council ang serye ng mga patayan kaugnay sa anti-illegal drugs war ng gobyerno at proteksyon ng human rights defenders.
Sinabi ni Reyes na wala silang nakikitang hakbangin ng gobyerno para ma protektahan ang karapatan ng mga human rights defender.
Isasalang din sa review ang Aquino administration dahil ang third cycle ng UPR ay sumasakop sa mga petsang May 2012 hanggang September 2016.
By Judith Larino