10 milyong COVID-19 tests ang target ng pamahalaan na maisagawa hanggang sa January 2021.
Katumbas ito ng halos 10% ng populasyon ng Pilipinas.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, sa ngayon ay nasa mahigit 23,000 COVID-19 tests araw-araw ang kanilang kayang gawin at inaasahang mapapa-angat ito ng hanggang 40,000 sa mga susunod na araw.
Nang tanungin ng Pangulong Rodrigo Duterte si Duque kung may kakayahan ang bansa na i-test ang lahat ng Pilipino sinabi ni Duque na hindi ito kayang gawin at hindi rin naman ito ginagawa sa kahit anong bansa sa mundo.
So, hindi naman natin pwedeng i-test ang bawat mamamayan, walang bansa ang nakakagawa nito kahit na yung pinakamayaman, katulad ng United States of Amerika, hanggang ngayon sila nga ang may pinakamataas na kaso, sila din ang may pinakamataas na namamatay na kanilang mamamayan, pero ang kanilang testing nasa 40 million na and that’s almost close to 9% of the total population so, tayo malalagpasan natin yun,” ani Duque.