Umabot na sa halos 10 milyong estudyante ang nakapag-enroll sa loob lamang ng isang linggo.
Ipinaabot ni Education Secretary Leonor Briones sa senado na resulta ito ng magandang kooperasyon ng lehislatura at LGU’s lalo na sa barangay level.
Ayon kay Briones, ang 10 milyon ay katumbas na ng halos 40% ng kanilang target enrollment para sa school year 2020 -2021.
Iniulat rin ni Briones sa senado na marami nang LGU’s ang nangako ng tulong para sa mga estudyante at mga guro lalo na sa isyu ng gadgets na gagamitin sa online schooling.