Tina-target ng gobyerno na maisalang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang 10 milyong Pilipino sa susunod na 8 hanggang 10 buwan.
Ayon ito kay testing czar Vince Dizon na nagsabi ring kailangang mapasama sa pinalawig na testing ang non-medical frontliners sa bansa para mapanatiling gumagana ang ekonomiya
Partikular dito ang mga cashier sa grocery stores, ambulant vendors at mga nagtatrabaho sa itinuturing na critical economic zones.
Sinabi ni Dizon na imposibleng maisalang sa testing ang 10 milyon katao sa mga susunod na linggo o ilang buwan lamang dahil kailangan pang i-programa ng testing capacity ng gboyerno sa pinaka-aktibong paraan tungo sa layoning mapanatiling bukas ang ekonomiya.
Una nang inihayag ni Dizon na nalampasan ng gobyerno ang target nitong arawang testing capacity na limampung libo sa katapusan ng buwang ito bagamat nasa labing anim na libo lamang ang aktuwal na kapasidad ng gobyerno kada araw.