Patay sa bakbakan sa pagitan ng mga French Counter-Terrorism Forces ang 10 miyembro ng Jihadist Groups sa West Africa.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, inakusahang sangkot ang mga nasabing Islamist sa naganap na massacre sa mga police officer sa Burkina Faso, West Africa noong buwan ng Nobyembre.
Nabatid na umabot sa 57 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pag-atake na nagdulot naman ng takot sa mga residente sa lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero