Arestado ang 10 miyembro ng isang private armed group sa Isulan Sultan Kudarat.
Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Office Chief; Senior Supt. Raul Supiter, ang nasabing grupo ay pinamumunuan ng ama ni Mayor Randy Ecija ng bayan ng Senador Ninoy Aquino.
Kinilala itong si Retired Army Master Sgt. Rodolfo Ecija.
Dagdag ni Supiter, hindi naman aniya pumalag ang mga tauhan ng nasabing private armed group nang kanilang ihain ang search warrant laban sa mga ito.
Nasabat din sa grupo ang 25 matataas na kalibre ng mga baril, hand grenades at mahigit 1,000 rounds ng bala.
Samantala hindi naman kabilang inaresto si Mayor Randy Ecija dahil hindi kasama ang pangalan nito sa ipinalabas na search warrant.
—-