Inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng 10% dagdag na buwis sa imported oil products at refined petroleum products.
Batay sa Executive Order 113 binibigyan ng kapangyarihan ng Pangulo ang NEDA na itaas ang singil sa import duty sa mga imported oil products ng hindi lalampas sa 10%.
Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangang makakalap ng dagdag na pondo ang gobyerno para maipangtustos sa health crisis dulot ng COVID-19.
Pinatitiyak naman ng Pangulo sa DBM na mapupunta sa programang kontra COVID-19 ang kikitain mula sa dagdag buwis tulad halimbaw ng social amelioration program (SAP).