Target ng pamahalaan ng Taguig na masalang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang 10% ng kanilang populasyon sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, nakasalig ang kanilang target sa mass testing ng national government.
Sinabi ni Cayetano na dahil sa dagdag na testing facility sa kanilang lugar ay kaya na nilang magsagawa ng halos 2,000 testing sa isang araw.
Sa ngayon ay nasa mahigit 1,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Taguig City.
We are happy to report na we’ve conducted 18,000 tests. We will continue being aggresive. Mataas ang ating numero dahil nahahanap natin ang may sakit at yun ang importante,” ani Taguig Mayor Lino Cayetano.