Tinatayang 1 sa bawat 10 tao ang na-infect ng Corona Virus Disease (COVID-19) sa buong mundo.
Ayon kay World Health Organization (WHO) top emergency expert Mike Ryan, katumbas aniya itong ng 10% ng kabuuang populasyon sa daigdig.
Aniya, bagama’t nakadepende ang bilang ng impeksyon sa bawat bansa, lugar o grupo, nangangahulugan pa rin itong nananatiling bantad sa virus ang malaking bahagi ng populasyon.
Dagdag ni Ryan, patungo ngayon ang lahat sa pinakamahirap na panahon at sitwasyon lalo na’t nagpapatuloy pa rin aniya ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Ryan, ilang bahagi ng South East Asia ang nagkakaroon pa rin ng outbreak habang patuloy naman ang pagtaas ng kaso at bilang ng nasasawi sa Europa at Silangang Mediterranean Region.