Sigurado na ang sampung (10) manlalaro na isasabak ni Gilas Pilipinas Coach Yeng Guiao sa 2019 FIBA World Cup.
Kabilang sa mga napili na ni Guiao sina Andray Blatche, Japeth Aguilar, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Kiefer Ravena at Matthew Wright.
Dalawa pang manlalaro ang hinahanap ni Guiao para mabuo na ang Gilas team hanggang sa katapusan ng buwang ito.