Nakatakda nang umuwi sa bansa ang sampung (10) Pilipino na nabigyan ng clemency sa bansang Qatar.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kasalukuyan nang pino-proseso ang mga dokumento ng sampung Pilipino para ma-repatriate sa Pilipinas.
Kabilang sa mga nabigyan ng pardon ang 9 na lalake at 1 babae noong buwan ng Disyembre bilang bahagi ng tradisyon ng Qatar tuwing sumasapit ang kanilang National Day.
By Len Aguirre