Nakaranas umano ng racism at pangungutya ang sampung OFWs sa Kuwait.
Ayon sa isang OFW, pumila ang kaniyang mga kasamahang OFW sa isang mall para bumili ng sapatos subalit matapos ang limang oras na paghihintay ay bigla na lamang nilapitan ng manager at sinabihan ang mga ito na hindi ibebenta ang sapatos sa mga Pilipino.
Ang insidente ay nagdulot ng komosyon at pinagtawanan pa umano ng mga Kuwaiti na nasa pila ang mga nasabing Pilipino.
Ipinamukha rin anila sa mga ito na nanggaling din sa mga Kuwaiti ang perang ipambibili ng sapatos.
Umani ng negatibong komento online ang nasabing insidente.
Tumanggi namang magsalita pa ang manager ng nasabing mall.