Sampung (10) oras lamang ang ilalaan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagsasagawa ng halalan sa darating na Mayo 9, taong kasalukuyan.
Inihayag ito ni COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez batay sa ipinalabas na desisyon ng COMELEC En Banc.
Dahil dito, ala-7:00 ng umaga magbubukas ang mga presinto at isasara naman ito ganap na ala-5:00 ng hapon.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na papayagan pa ring makaboto ang mga botanteng nasa loob ng 30-meter radius mula sa mga presinto kahit pa sumapit na ang ala-5:00 ng hapon na deadline.
Idinepensa naman ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang ginawa nitong pagtapyas ng 2 oras sa voting hours sa halalan, aniya sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga botante na bumoto nang maaga.
By Jaymark Dagala