Sampung (10) delegado ang nahimatay dahil sa matinding init habang hinihintay ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa Binirayan Sports Complex sa Antique kahapon.
Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng mga nakaabang na medical team ang mga biktima na tinukoy na mga performer at atleta.
Nabatid na alas-11:00 pa lamang ng umaga ay nasa initan na ang mga participant gayong alas-3:00 pa ng hapon ang program habang halos alas-4:00 naman ng hapon nang dumating ang Pangulo.
Inireklamo ng mga ito ang pagbabawal ng pagpasok ng water bottle sa stadium ngunit hindi naman anila sapat ang tubig sa mga water dispenser.
Kahapon ay opisyal nang nagsimula ang Palarong Pambansa na dinaluhan ng mga opisyal, manlalaro at manonood mula sa 18 rehiyon sa buong bansa.
By Rianne Briones
10 Palarong Pambansa delegates hinimatay dahil sa init ng panahon was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882