Pumalo na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang boluntaryong sumailalim sa COVID-19 Antigen test buhat nang simulan ito noong Enero a-11.
Batay sa ulat ng pamunuan ng MRT 3, 10 ang nagpositibo sa COVID-19 antigen test na naitala kahapon habang nasa 86 naman ang nagnegatibo sa virus.
Isinasagawa ang voluntary at random antigen testing sa mga istasyon ng MRT sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue.
Pinauuwi ang mga nagpopositibo sa COVID-19 para mag-quarantine at hihimuking makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na Pamahalaan para sumailalim sa RT-PCR test.
Habang binibigyan naman ng libreng sakay ang mga pasaherong nagnenegatibo sa test. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)