(Updated)
Sampu (10) katao ang patay at halos 700 pamilya ang apektado sa 3 magkahiwalay na sunog kagabi at kaninang hatinggabi.
Siyam (9) ang nasawi sa sunog sa Brgy. Damayang Lagi sa Quezon City kung saan naabo ang halos 50 kabahayan kaninang hatinggabi.
Kabilang sa mga nasawi sina Glaiza Gomez, Apolinar Gomez, Omar Gomez, ang isang taong gulang na si Ashley Gomez, Joy Bulalacao, Elvira dela Cruz, Mary Ann dela Cruz at Maria Victoria dela Cruz.
Pansamantalang nasa seminaryo malapit sa lugar ang 120 pamilyang apektado ng sunog.
Samantala, isa naman ang kumpirmadong patay habang nananatili naman sa evacuation centers ang mahigit 600 pamilya sa sunog na tumupok sa mahigit 200 kabahayan sa Malanday, Valenzuela City.
Tumalon ang biktima sa isang sapa sa kasagsagan ng sunog, dahilan nang pagkalunod nito.
Labing limang (15) bahay naman ang nasunog sa Pasay City kung saan 45 pamilya ang naapektuhan.
By Judith Larino