Patay ang 10 katao matapos ang naganap na riot na nagresulta sa Massive Prison Break sa isang immigration detention center sa Relau, Kedah, Malaysia.
Nagsimula kaninang alas-singko ng umaga ang riot na kinabibilangan ng mahigit 600 ronghiya detainees.
Pinaniniwalaan namang namatay ang nasabing indibidwak matapos na masagasaan ng mga sasakyan habang tumatawid sa kalsada habang nangyayari ang gulo.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente. – sa panulat ni Airiam Sancho