Sampu naman ang nasawi matapos ang pagguho ng lupa ‘di kalayuan sa isang minahan sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay P/Col. Ranser Evasco, hepe ng Nueva Vizcaya PNP, nakatanggap sila ng tawag nitong Huwebes hinggil sa nangyaring pagguho ng lupa sa tatlong sitio sa Barangay Runruno.
Limang katawan ang kanilang nasagip nitong Huwebes habang Biyernes na nang matagpuan ang limang iba pa sa pagpapatuloy ng search and rescue operations.
Ayon kay Evasco, lumambot ang lupa sa kasagsagan ng ulan dulot ng bagyong Ulysses subalit iginiit nito na walang kaugnayan ang nangyaring landslide sa ginagawang pagmimina sa nasabing lugar.