10 katao ang nasawi kabilang ang isang 11-anyos na babae, sa matinding pag-ulan sa Southeastern Brazil.
Ayon sa Regional Civil Defense Authorities, mahigit 13K indibidwal ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan.
Kabilang sa mga lugar na labis na naapektuhan ng malakas na pag-ulan ang Minas Gerais State kung saan 145 lugar ang nasa State of Emergency.
Ilang mga ilog na rin ang umapaw sa nasabing lugar at pinangangambahang umapaw na rin ang ilang mga dam dahil sa walang patid na pagbuhos ng ulan.