10 ang naitalang nasawi sa nangyaring mudslide sa Tajikistan kung saan 8 katao ang natagpuan habang dalawang babae naman ang nailigtas mula sa pinangyarihan ng trahedya.
Ayon sa ulat, dahil ito sa malakas na ulan sa hilagang bahagi ng nasabing bansa.
Ayon kay Ministry Spokeswoman Umeda Yusupova, posibleng tumaas pa ang death toll dahil dalawang indibidwal pa ang nawawala.
Noong nakaraang linggo nang masawi ang 16 na indibidwal dahil na rin sa mudslide sa border regions ng Uzbekistan at Kyrgyzstan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico